64

Sep 15, 2020 @ 15:52
By

Zia kilig na kilig kay Sarah G

“Kilig na kilig ‘yung anak ko kay Sarah! Jusko day!”

Bulalas ito ni Marian Rivera habang nilalahad na humahanga pala ang bata niyang anak na si Zia kay Sarah Geronimo.

Sa video na pinost ni Abante showbiz journalist Dondon Sermino sa kanyang YouTube channel, kinuwento ni Marian na bet na bet ni Zia ang “Tala” ng Pop Princess.

“Sobrang gustong gusto niya ‘yung Tala. Nagsasasayaw ng Tala. Si Ranvel (Rufino) kasi, very close iyan kila Matteo and Sarah. Very close din iyan sa amin dahil meron silang business ni Dong. So pumupunta minsan sa bahay iyan nagmi-meeting,” sey ni Marian.

“One time, sinend ni Dong kay Ranvel na nagta-Tala si Zia. Ngayon siguro kasama ni Ranvel si Sarah, nag-video ngayon itong si Sarah. Sabi nung Sarah, ‘Hi Zia, ang galing mo mag-Tala.’ Kilig na kilig ‘yung anak ko, jusko,” sabi pa ng aktres.

Hindi raw makapaniwala ang kanyang 4-anyos na anak na kilala siya ni Sarah.

“Sabi niya, ‘Why Sarah knows me? Why she knows I like Tala?’,” sabi pa ni Marian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?