339

By

Zia, Dingdong magkasamang tatakbo sa Nov. 18

Sharing is caring!

Kahit preggy sa kanilang second baby, isa raw si Marian Rivera sa siguradong darating at sa halip na tatakbo ay lalakad na nga lang sa The Color Run Hero Tour “Happiest 5K on the Planet” sa November 18 sa McKinley West.

Project ito ng Yes Pinoy Foundation ng kanyang Mister na si Dingdong Dantes as presented by Run Rio Events sa GMA Network. Si Dingdong at ang kanyang “I Am Super Campaign” ang tinap ng Run Rio sa Pilipinas dahil ang The Color Run ay isang world-renowned franchise na nag-e-exist na sa 36 countries.

At hindi lang si Marian, maging ang anak nila na si Zia ay makikitakbo rin kasama naman ni Dingdong at iba pang Kapuso celebrities. Excited na nga raw ang bagets sa magiging pagtakbo.

Kuwento ni Marian, “Wala kasing age limit. So kahit anong age ng bata, puwede silang sumali, basta may guardian lang. So definitely, yes, kung tatakbo kami ni Zia. Lalakad ako pero si Zia, tatakbo kasama Tatay niya.

“Excited na siya, nandoon na ang kit niya, e.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?