418

Dec 21, 2017 @ 12:07
By

Zero projects ng oposisyon ilalaban sa korte ni Erice

Hindi palalampasin ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang tinawag nitong pagiging arogante ng liderato ng Kamara.

Ayon kay Erice, ilalaban niya sa korte at kung kinakailangan ay dadalhin sa lansangan ang usapin sa pagtanggal ng alokasyon sa mga proyekto sa distrito nilang mga taga-oposisyon.

“Can the Speaker [Pantaleon Alvarez] and chairman [Karlo Alexei] Nograles delete budget already approved by the House, which the gov’t through the national expenditure program has proposed?” tanong ni Erice.

“I will fight to the last drop of my blood before the courts and on the streets if necessary to protect the 8 million Filipinos who will be benefitting from the projects,” giit ng kongresista.

Sabi ni Erice, ipagsisigawan niya na mas pinarusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tao para sa naising gawing puppets ang mga mambabatas at pasunurin sa mga gusto nito.

Dapat rin aniyang malaman ng mga Pilipino ang ginawang power-tripping ng Speaker at pagkakait ni Nograles sa mga importanteng proyekto para maalala sila ng mga tao sa 2019 elections. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?