73

Dec 20, 2017 @ 16:58
By

Zero projects ng oposisyon, babala sa kokontra sa administrasyon – Villarin

Dapat sumunod at sumuporta sa lahat nang naisin ng administrasyon.

Iyan daw ang mensaheng nais iparating ng liderato ng Kamara sa mga kongresista sa pagtanggal ng alokasyon para sa mga proyekto sa distrito ng mga taga-oposisyon.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, ibig lamang sabihin nito na kailangang sang-ayunan ng mga miyembro ng Kamara ang Constituent Assembly, no elections sa 2019 at constitutional authoritarianism.

Sabi ni Villarin, ang pagpaparusa sa mga kontra sa administrasyon ay nagpapakita lamang ng pagiging diktador ng House leadership at paghihiganti ng administrasyon.

“It serves as fair warning to the rest of the House members that all must obey and support the move for a Con-Ass, no elections in 2019, and a shift to constitutional authoritarianism,” ani Villarin.

“Punishing democratic dissent by letting people suffer through withdrawal of basic government services is pure hubris,” dagdag ng kongresista.

Iginiit ni Villarin na kuwestiyonable ang pag-alis sa mga proyekto nang walang anumang basehan.

Puwede aniya itong dalhin sa korte o kaya naman ay singilin na lang sa balota pagdating ng halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?