By

Zero interest na pautang, alok ng DTI sa Marawi traders

Sharing is caring!

Nag-aalok ang Small Business Corporation ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga maliliit na negosyante sa Lanao del Sur, partikular na sa Marawi City, ng pautang na walang interes simula ngayong buwan hanggang sa Abril, 2018.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez, bahagi ito ng kagawaran sa mga isinusulong na programa ng gobyerno sa pagbangon ng lungsod at pagtulong sa mga Maranao.

“We will be working closely with our Maranao countrymen to ensure they have access to the needed funds to get their businesses back on their feet,” ani Lopez.

Bukod pa sa pagpapautang nang walang interes, iaalok din ng DTI ang Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso (P3) Program, na mapapakinabangan na ng 94 micro finance institutions at madadagdagan pa ito ng 45. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?