61

May 5, 2020 @ 14:13
By

Zero interest loan sa mga estudyante sinuportahan ni Rep. Taduran

Suportado ni ACT-CIS Partylist Representative Nina Taduran ang alok ng Commission on Higher Education (CHED) na ‘zero interest loans’ para sa mga estudyante sa tertiary level.

Naniniwala si Taduran na ito’y napapanahon dulot na rin sa krisis na kinakaharap ng bansa.

Dahil dito, nangako ang lady solon na susuportahan niya ang dagdag na budget ng CHED para dito.

“Hindi dapat mahinto ang pag-aaral ng isang estudyante dahil napilayan ang kanyang pamilya financially bunga ng Covid-19 pandemic. Let us help them overcome their financial challenge,” ayo kay Taduran.

Partikular na tinukoy ng kongresista na dapat bigyan ng tuon ay ang mga estudyanteng kumukuha ng science and agricultural courses.

“We need new scientists, health professionals and agriculturists as we’ve seen their importance especially at this crisis. They should finish their studies without having to worry about their school expenses,” dagdag ni Taduran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?