59

Dec 31, 2017 @ 14:26

Zero casualty, wish ni Bato ngayong Bagong Taon

Target ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na walang mamatay o masaktan sa selebrasyon ng Bagong Taon.

“I am appealing to your sense of urgency. Let us make this new year’s celebration the safest ever for everyone by achieving zero death & the lowest number of injuries,” pahayag ni Dela Rosa sa kanyang mga opisyal kanina.

“Please continue pressing on your subordinate commanders to perform best,” dagdag pa nito.

Samantala, pinasalamatan naman ni Dela Rosa, ang kanyang mga opisyal dahil pagtulong sa kanya para mapahusay ang liderato ng PNP nitong 2017.

Si Bato ay nakatakdang mag-retiro sa 2018. Itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BOC) pagkatapos ng kanyang termino bilang PNP chief.

Nakataksa sanang magretiro si Bato sa PNP sa kanyang ika-56 kaarawan sa Enero 21, 2018 subalit pinalawig pa ng Pangulo ang kanyang termino sa tatlo pang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?