16

By

Zero casualty pa sa Cagayan – Gov. Mamba

Sharing is caring!

Walang naitalang nasawi sa lalawigan ng Cagayan na pinakamatinding hinagupit ng bagyong Ompong.

“Hopefully wala nang ma-report na casualty kasi at this point zero casualty pa po,” pahayag ni Gobernador Manuel Mamba sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Itinaas ang Signal No. 4 sa Cagayan na binayo ng bagyo noong Biyernes ng gabi, Setyembre 14 hanggang Sabado, Setyembre 15.

Ayon kay Mamba, maganda na ang panahon ngayon sa lalawigan kaya umuuwi na ang iba sa 46,000 lumikas.

Nagtutulong-tulong na rin ang mga residente, mga pulis at sundalo sa paglilinis ng mga lansangan mula sa naputol na puno, lumipad na mga yero at sari-saring kalat.

Sa ngayon, walang kuryente sa buong lungsod at maari umano itong abutin ng isang linggo.

“Walang power sa whole province. Baka abutin ng one week. But this is not the worse. Nung (bagyong) Lawin six months bago naibalik,” ayon sa gobernador,

Wala lang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan sa Lunes, Setyembre 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: