89

Jan 2, 2018 @ 14:07

Zero casualty, naitala ng PNP sa selebrasyon ng Pasko, Bagong Taon

Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na nakapagtala ng ‘zero casualty’ sa stray bullet o ligaw na bala sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ilang firecracker injuries lang din noong Bagong Taon ang naitala, ayon kay PNP chief Ronald dela Rosa.

Sabi pa ng hepe, ang bilang ng mga nasugatan sa paputok ay all-time low dahil sa implementasyon ng Executive Order 28 na nagbabawal sa paggamit ng paputok sa labas ng itinalagang firecracker zones (FZs).

Mas mababa umano ng 68% ang bilang ng firecracker-related injuries kumpara noong nakaraang taon at 77% kumpara sa karaniwang naitatala sa nakalipas na limang taon.

“I would like to congratulate our police personnel for the effective operations and campaign on illegal firecrackers which resulted in an all-time low (record) of incidents and casualties,” ani Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?