674

Dec 21, 2017 @ 19:07
By

Zero-budget, ‘political vendetta’ – Floirendo

Tinawag na paghihiganti ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. ang pagkaltas ni Speaker Pantaleon Alvarez sa pondo para sa mga proyekto sa kanyang distrito sa ilalim ng 2018 budget.

Katuwiran ni Floirendo, hindi naman siya taga-oposisyon.

Nalulungkot ang kongresista na isinaksripisyo ni Alvarez ang mga mamamayan ng Davao del Norte sa naising pabagsakin siya.

“The zero-budget given to my district at the instance of Speaker Pantaleon Alvarez reflects the shady intention of the House leadership and speaks clearly of how he has looked down on the people of Davao del Norte, treating them as sacrificial lambs in his ultimate goal to bring me down,” ani Floirendo.

Ayon kay Floirendo, ang ganitong klase ng pamumuno ng Speaker ay hindi lang disservice sa mga Pilipino kundi liability sa administrasyong Duterte na ang pangunahing agenda ay ang kapakanan ng mga tao.

Sabi ng mambabatas, malaking dagok ito sa kanyang pangakong magdadala ng maraming proyekto sa kanilang lalawigan.

Gayunpaman, hindi anya magiging hadlang ang ginawa ni Alvarez sa pagtupad sa kanyang pangako sa constituents.

“Surely, there are other sources of funds for well-meant projects and I am sure that there are people in government who firmly believe that bringing public services to the people cannot be taken hostage by callous politicians,” ayon kay Floirendo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?