90

Jan 19, 2021 @ 19:23
By

Zeinab Harake, Skusta Clee: It’s a girl!

Ibinunyag ng YouTube couple na sina Zeinab Harake at Skusta Clee na babae ang kasarian ng kanilang baby no. 1.

Sa vlog ni Harake, ipinakita niya ang gender reveal party na ginawa nila sa isang yate kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya.


Nalaman ng dalawa na babae ang kanilang anak nang lumabas ang kulay pink na fireworks display.

Agad namang natuwa ang mga kasamahan nito sa yate at napaiyak si Harake.

Matapos ang fireworks display ay nagsigawan ang lahat sa saya at binati ang vlogger.

“Babae, babae!” paulit-ulit na sambit ng kanyang mga kasamahan dahil babae ang kanyang unang anak.

Kasama sa naturang party sila Loisa Andalia, Awra, Donnalyn Bartolome at ang JoLai.

Una nang inansuyo ng dalawa ang pagdadalang-tao ni Harake noong Disyembre ng nakarang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?