9

By

Zayn Malik wala nang koneksyon sa One Direction

Sharing is caring!

Sa kabila ng patuloy na pag-asam ng mga fan na muling magbalik si Zayn Malik sa boy band na One Direction ay tila malabo na itong mangyari.

Sa isang panayam kay Malik sinabi nitong matagal na silang walang komunikasyon ng mga dating ka-banda. Kahit isa sa kanila ay hindi na nakakausap ni Malik.

“I ain’t spoke to any of them for a long time, to be honest with you. That’s just the way it is,” saad nito.

“There’s things that happen and things that were said after I left… Snide things. Small things that I would never have expected,” dagdag pa ng singer.

Paliwanag niya, ang kanilang pagsikat noon mula sa teatro, sa arena, hanggang sa mga stadium ay mayroong iba’t ibang epekto sa kanila ng mga kasama sa banda.

“People take it different ways – especially when there are five different personalities. The relationships had broken apart,” pagbibigay-linaw nito.

Ngunit sa kabila ng kawalan niya ng koneksyon sa mga dating kaibigan ay naniniwala pa rin itong ang One Diretion ay patuloy na magiging ‘Best Band’ sa mundo.

Sa ngayon ay isa ng solo artist si Malik at nakapag-release na rin ng iba’t ibang single.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?