21
carlos-isagani-zarate
By

Zarate sa Meralco: Ibalik ang bill deposit sa consumers

Sharing is caring!

Ipinasasauli ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa Meralco ang siningil nitong bill deposit sa consumers.

Ang bill deposit ay ang halagang sinisingil ng Meralco kapag naantala ang pagbabayad sa due date ng kuryente para dito ibawas sakaling magkaroon ulit ng delay sa pagbabayad ang costumer.

Ayon kay Zarate, dapat kumilos ang Energy Regulatory Commission at utusan ang Meralco na ihinto ang paniningil ng bill deposit at i-refund sa mga costumer ang nasingil na aabot sa P3 bilyon.

Dagdag-pasakit anya sa mga mamamayan ang ginagawa ng kumpanya na gusto lamang ng dagdag na kita.

Iginiit ng kongresista na hindi dapat pinapayagan ng ERC ang ganitong sistema ng Meralco at sa halip ay tingnan din ang interes ng mga mamamayan.

Bukod sa refund na may interes, hiniling ni zarate na i-audit ang perang siningil ng Meralco sa bill deposit para maging transparent kung may kumita sa bilyones na koleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?