19

Sep 18, 2020 @ 19:50
By

Zarate pinuna DOJ sa red-tagging ng Bayan Muna

Kinumpronta ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Justice Secretary Menardo Guevarra ukol sa pagdikit ng kanilang party-list at iba pa sa Communist Party of the Philippines.

Ito’y base sa nakalagay na 2020 Philippine Human Rights Situationer sa website ng Department of Justice (DOJ), kung saan nilahad ng nilikha umano ng komunistang grupo ang Bayan Muna, at ilan pang party-list tulad ng Anakpawis at Gabriela.

Paliwanag ni Zarate, ang kanilang party-list ay legal at nakarehistro mula pa noong 2000.

Tugon naman ni Guevarra, hindi niya alam ang naturang red-tagging sa kanilang ahensya at sinigurong maglalabas ng pahayag kung kinakailangan.

“We have taken due note of the concern of Cong. Zarate and we would like to assure him that insofar as the DOJ is concerned ay wala naman kaming ginagawang ganong parang policy ng red-tagging or something like that,” ayon sa kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?