46

Sep 7, 2021 @ 19:47
By

Zarate: PCOO magagamit ni Duterte sa 2022

Magagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makinarya ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagtakbo nito sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations ngayong Martes, nagtanong si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung ano ang magiging papel ng PCOO sa pagtakbo ni Duterte sa darating na halalan.

“Given the fact na malapit na ang eleksyon and in fact magsisimula na ‘yung activities for the 2022 elections, saan papapel dito ang PCOO? Ang papel ba ng PCOO rito is to give advantage to the party of the President, as well as the candidates of the President?” tanong ni Zarate.

Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na patuloy na gagampanan ng kanyang ahensya ang mandato nito na i-cover ang mga event ng Pangulo.

“As for his possible joining the electoral frame this 2022, there are press releases and announcements coming from the President that he intends to run as vice president of the Republic of the Philippines. If that happens, I believe it’s the first time that a president is running for vice president. But we have a mandate to cover the President, I guess, that’s the equity of the incumbent, Mr. Chairman,” sagot ni Andanar.

Sinabi ni Zarate na malinaw na magagamit ng Pangulo ang PCOO sa kanyang pagtakbo.

“Malinaw ‘yan na ang buong makinarya ng PCOO ay gagamitin to the advantage of the President,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?