65
zarate
By

Zarate: Oil companies nagsasabwatan sa oil price hike

Sharing is caring!

Gusto nang pagpaliwanagin ng Kongreso ang mga kompanya ng langis sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, naghain na siya ng resolusyon sa Kamara de Representante para imbestigahan ang mga oil company at libro nito.

Halata umano na nagsasabwatan ang mga kompanya ng langis dahil magkakapareho ang inaabiso nitong pagbabago sa halaga ng kanilang mga ibinebentang produkto.

Noong Lunes, nag-anunsyo ang mga oil company ng P1.15 na pagtaas sa presyo ng diesel, P1.60 sa gasolina at P1.00 sa kada litro ng kerosina epektibo Martes ng umaga.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng kilos protesta sa North Avenue station ng MRT3 ngayong Martes ang grupo ng Bayan Muna para hilingin ang pagpapatigil ng TRAIN LAW at iba pang anti-poor na polisiya ng pamahalaan.

Sinisisi ng grupo ang nasabing batas sa patuloy na paglobo ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?