36

By

Zarate kay Diokno: Wag i-hostage ang taas-sahod!

Kinastigo ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Budget Secretary Benjamin Diokno dahil sa usapin ng umento sa sweldo at tanggalan sa trabaho sa gobyerno.

Pinagsabihan ni Zarate si Diokno na huwag i-hostage ang dagdag-sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, dahil sa awayan sa “pork”.

Sinita rin nito ang kalihim sa malawakang lay off ng mga contractual sa pamahalaan na aniya’y maaaring makaapekto o magpabagal ng serbisyo ng gobyerno.

“Ngayon, dahil sa awayan sa pork, sa 2019 budget ay naho-hostage ang dagdag-sahod ng mga kawani ng gobyerno at madami pa ang matatanggal,” ani Zarate.

“There is an apparent government shutdown in some provinces because of massive layoffs. In DSWD (Department of Social Welfare and Development) alone, 1,838 government contractuals were sacked,” dagdag ng kongresista.

Nanawagan ang mambabatas sa Malakanyang na agad ibalik sa trabaho ang sinibak na mga empleyado, tigilan na ang “pork wars” sa 2019 national budget, at ipatupad ang salary hike ng mga taga-gobyerno.

Masama anya ang timing nito lalo pa’t nakaamba ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin ngayong taon dahil sa TRAIN Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?