103

Jun 18, 2021 @ 19:49
By

Zarate: Duterte poproteksyunan sarili, titiyaking manalo kaalyado sa 2022

Gusto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumagpas sa kanyang termino ang kanyang impluwensya para maproteksyunan ang kanyang sarili.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ito ang dahilan kung bakit isang kaalyado ang gusto nitong manalo sa 2022 presidential elections.

“Gusto niyang ma-extend ang kanyang influence and control beyond 2022 sa pamamagitan ng i-ensure niya na ang kanyang successor ay magmumula sa kanyang pangkat either ang kanyang anak ‘yun o ibang kandidato,” sabi ni Zarate.

Kailangan umano ni Duterte ng proteksyon lalo at napipinto ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga pagpatay sa war on drugs ng administrasyon.

“Isa sa rason dito ay para maproteksyunan ang kanilang interests, economically and politically, especially in relation dito sa gagawing imbestigasyon din at possible trial ng International Criminal Court,” dagdag pa ni Zarate.

Humingi ng judicial authority ang prosecutor ng ICC upang makapagsagawa ng imbestigasyon sa mga pagpatay sa pagpapatupad ng war on drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?