58

Dec 17, 2017 @ 12:24
By

Zarate: Anyare sa Evacuation Center Bill? – Zarate

Muling kinalampag ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang liderato ng Kamara na aksyunan na ang panukalang pagtatayo ng evacuation centers na magagamit tuwing may kalamidad.

Ginawa ito ni Zarate sa gitna nang pananalasa ng bagyong Urduja sa Eastern Visayas at sa harap nang inaasahang pagpasok ng isa pang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

Layon ng House Bill 1763 o Evacuation Centers bill na magkaroon ng ligtas na lugar na matatakbuhan ang mga tao tuwing may bagyo, lindol at iba pang sakuna.

Itinatakda sa ilalim ng panukala na dapat earthquake at disaster resistant ang evacuation centers para tiyak na ligtas dito ang mga evacuee.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Zarate na hindi na rin kailangang gamitin ang mga paaralan at multi-purpose halls bilang evacuation centers na kadalasang nakatayo rin naman sa danger prone areas.

“The evacuation centers proposed by HB 1763 should also be located in between baranggays so that more people can reach them at the soonest time and may also serve as the command center for disaster response,” ani Zarate.

“Sana ay paspasan na ang HB 1763 dahil mahirap namang maaksidente pa ang mga nasalanta na nga tulad ng nangyari sa Yolanda,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?