75

May 24, 2021 @ 10:13
By

Zamora pinalagan bentahan ng bakuna sa San Juan

Kinontra ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang umano’y bentahan ng slot para sa COVID-19 vaccine sa kanilang siyudad.

Nilarawan ni Zamora na ‘online scam’ ang nagbebenta ng slot para sa pagbabakuna lalo’t libre naman ito sa bawat local government unit (LGU).

“Wala hong ganyang klaseng bentahan sa San Juan. We have vaccines for free for everyone from San Juan or working in San Juan,” sambit ni Zamora sa panayam ng TeleRadyo.

Aniya, may nakausap silang bibili sana ngunit naudlot ang transaksyon.

“Ang mismong binebentahan aming na-contact. ‘Di natuloy ang kanilang transaksyon dahil naramdaman niyang medyo alanganin nga,” saad pa ng alkalde.

Kumikilos na ang Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) para mahuli ang mga nagbebenta ng COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?