434

Apr 14, 2020 @ 14:12
By

Zamora: Mobile palengke ng mga Estrada, iligal!

Pinatigil ni San Juan Mayor Francis Zamora ang mobile palengke na sinimulan ng dating vice mayor ng lungsod na si Janella Estrada.

Ayon kay Zamora, iligal umano ang operasyon ng nasabing rolling store kaya ito pinapatihinto.

“Unang-una walang permit, that is illegal. Kahit anong gusto mong itulong, kung ito ay ilegal, kawawa naman ‘yung mga sumusunod sa batas,” ayon sa alkalde.

“Kung gusto talaga nilang tumulong, mag-apply sila ng permit sa city government,” aniya pa.

Matatandaan na sinabi ni dating senador Jinggoy Estrada na pinagbabawalan umano ang mga vendor sa San Juan na sumali sa kanilang mobile palengke.

Nagkaroon din ng protesta ang ilang vendor dahil nalulugi matapos itakda ni Jinggoy na kalahati lang ang maging presyo ng paninda sa rolling store ng mga Estrada.

“Ako tumutulong ako in our own little way. Sana huwag niyang masamain. At huwag niyang haluan ng pulitika dahil kawawa ang ating kababayan,” giit ni Jinggoy kay Zamora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?