5

Aug 31, 2020 @ 13:23
By

Zamboanga region may bomb threat – mayor

Pinagbantaan umano ang Zamboanga region ng umano’y mga pasimuno sa naganap na twin blasts sa Sulu noong nakaraang linggo.

Ayon ito kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco, Lunes.

“May banta po dito [ng terorismo sa pagbobomba] sa Region 9. Hindi po namin alam exactly kung saan within the region, pero alerted na rin po ang mga governors natin from Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, [at Zamboanga] Sibugay,” ani Climaco sa ABS-CBN’s Teleradyo.

“At meron na rin pong advisory ang ating Regional Peace and Order Council,” dagdag niya.

Sabi ng alkalde, “nagtangkang tumakas o nakatakas na sa Sulu” si Abu Sayyaf bomb expert Mundi Sawadjaan kasama aniya ang dalawang Indonesian national.

Si Sawadjaan ang tinuturo ng militar na mastermind ng twin blasts sa Jolo, Sulu na kumitil ng 15 katao at sumugat ng 77 iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?