79

Mar 13, 2020 @ 9:49
By

Zambales niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng lindol na may magnitude na 5.0 ang bayan ng San Antonio, Zambales kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa bulletin na pinalabas ng Phivolcs, sinabing ang lindol ay may layong 123 kilometro mula sa timog-kanluran ng bayan at sumusukat sa lalim na 27 kilometro, na nagpayanig dakong alas-6:00 ng umaga, Marso 13.

Wala namang naiulat na pinsala sa imprastruktura ngunit posibleng may maganap na aftershocks, ayon sa Philvolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?