Niyanig ng lindol na may magnitude na 4.6 ang bayan ng San Felipe, Zambales kung saan ito ay naging sentro kaninang alas-2:30 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa datos na ipinalabas ng Phivolcs, sinabing ang lindol ay may layong 30 kilometro mula sa timog-kanluran sa bayan ng San Felipe, Zambales at sumusukat sa lalim na 25 kilometro.
Ang pagyanig ay naramdaman sa buong lalawigan ng Zambales, lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Bataan at Pampanga.