64

Mar 29, 2020 @ 7:52
By

Zambales mahigpit na pinatupad ang lockdown dahil sa 2 COVID-19 positive

Dahil sa dalawang indibidwal na magkasunod na nagpositibo sa kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Zambales, mahigpit nang ipapatupad ng Inter-Agency Task Force Covid ang pagpapasok at pagpapalabas ng mga tao sa probinsya.

Ito ay makaraang ideklara ang Extreme Enhanced Community Quarantine sa lalawigan dahil sa nagpositibo sa corona virus disease ang dalawang pasyente mula sa bayan ng San Antonio at Cabangan.

Ayon kay PNP Zambales Provincial Director P/Col. Pojie Peñones, umiiral na ang lockdown sa buong Zambales kaya maliban sa mga persons allowed to go outside residence ay wala nang makakalabas at makakapasok ng probinsya.

Hindi na rin magbibigay ng konsiderasyon ang mga nagbabantay sa mga border checkpoint ‘di tulad noong wala pang deklarasyon ng lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?