31

Sep 24, 2019 @ 21:22
By

Zambales inuga ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Zambales nitong Martes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol ng 5:42 p.m. sa 49 kilometro southwest ng bayan ng San Felipe.

May lalim ito na 17 kilometro at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol, ayon pa sa Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?