135

Mar 28, 2020 @ 22:50
By

Zambales hospital tinalaga para sa mga COVID-19 patient

Napili ng lokal na pamahalaan ng Zambales na gawing eksklusibong pasilidad para sa mga pasyente na may coronavirus disease (COVID-19) ang President Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH), ayon kay Governor Hermogenes Ebdane Jr.

Sa pahayag ng gobernador, sinabing ang lahat ng mga pasyente sa PRMMH ay ililipat sa San Marcelino District Hospital o Candelaria District Hospital at iba pang kalapit na pribadong ospital.

Tanging mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang gagamutin sa PRMMH.

Noong Biyernes, may dalawang kaso na ng COVID-19 sa probinsya, ayon sa provincial health office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?