19

Sep 13, 2021 @ 18:07
By

Zambales bet nagbabu sa Miss U PH

Nagbabu sa Miss Universe Philippines 2021 competition ang kandidata mula sa Zambales matapos tamaan ng dengue.

Sa Instagram post nitong Lunes, sinabi ni Joanna Marie Rabe na pinayuhan siya ng mga doktor na magpahinga para makarekober sa sakit.

“With great sadness, I would like to inform you that my Miss Universe Philippines journey has been cut short. I got Dengue Fever earlier this week and my doctors advised that I would need more time to recover my strength,” sey ni Rabe.

“I am Joanna Marie Rabe, your Miss Universe Philippines – Zambales 2021,” dagdag niya.

Gaganapin ang Miss U PH 2021 coronation night sa September 25.

Ang mananalo rito ang siyang magiging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant sa Israel sa December.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?