274

Dec 29, 2020 @ 16:08
By

Zambaleño natagpuang patay sa hotel

Tadtad ng saksak, may mga pasa at ginilitan pa ang isang 30-anyos na babae nang matagpuan sa isang hotel sa Olongapo City, Linggo ng hapon.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Diana Rose Odal, dalawang taon nang naninirahan sa Hotel Avenija.

Isang receptionist ng hotel ang nakadiskubre sa biktima sa kuwarto nito bandang alas-12:30 ng tanghali.

Residente ang biktima ng Castillejos, Zambales.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?