7

By

Zamar tinanghal na PBA Player of the Week

Sharing is caring!

Naluklok sa tuktok ang dating ABL star na si Paul Zamar para maging Cignal-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Oktubre 1 hanggang 7.

Nasa itaas ng standing ngayon ang Blackwater Elite, anim na panalo at isang talo, at isa sa mga naging instrumento sa pagpapakitang-gilas ng koponan na dati’y laging lugmok ay ang anak ng dati ring manlalaro na si Boycie Zamar.

Noong nagdaang linggo, magkasunod na tinigpas ng Elite ang bigatin ding koponan ng Meralco Bolts at Rain or Shine Elasto Painters.

Hindi man ganun naging kalaki ang naiambag ng dating University of the East standout, na may 12 points, limang rebounds, and isang assist sa huling dalawang laro, nagsahog naman ito ng game-winner sa laban nila sa Meralco, kung saan nagbuslo siya ng tres sa huling segundo ng laro para maitakas ang 94-91 victory.

Sa Rain or Shine naman, muntik na ring makakuha ng double-double ang 30-anyos na guard sa 11 puntos, walong boards at dagdag ang isang assist.

Tinalo ni Zamar sa nasabing parangal sina teammate Allein Maliksi, Alaska’s Simon Enciso, Chris Banchero at Vic Manuel, Ginebra’s Japeth Aguilar, LA Tenorio at Mark Caguioa, Magnolia’s Paul Lee, Mark Barroca at Ian Sangalang, at Columbian big men Sean Anthony at Mo Tautuaa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?