17

Oct 20, 2020 @ 17:24
By

Zamar sinopresa ng Beermen

Sa Bubble sa Clark, Pampanga inabot ng birthday si San Miguel Beermen guard Paul Zamar.

Ilang oras matapos ang laro nila kontra Terrafirma, sinorpresa ito ng kanyang mga teammate.

Diretso sa kuwarto nito ang mga teammate na may dalang cake habang kinakantahan ng birthday song ang 33-anyos na si Zamar.

Bukod sa sopresa ng kanyang teammates, maagang birthday gift din kay Zamar ang una nilang panalo sa bubble kung saan naging maganda ang kanyang performance.

Nagtala si Zamar ng 11 puntos, dahil wala nga si Terrence Romeo, kasama ito sa first five ng Beermen sa laro kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?