41

Mar 10, 2020 @ 17:43
By

Zach Lavine ngatog-tuhod sa COVID-19

Aminadong takot na madapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang two-time NBA Slam Dunk champion na si Zach Lavine.

“Man, the whole league is all fans,” pahayag ni Zach sa eksklusibong video ng TMZ sports. “Look at us, but we’re scared of corona.”

Sa video ay kapuna-puna ring hindi na nag-atubili pang pumirma ng autograph ang Chicago Bull star at tila allergic na makipag-contact sa publiko.

Magugunitang may memo na nilabas ang NBA management patungkol sa closed-door games o fan-less games upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus.

Bukod dito ay may nauna na ring memo na nagbabawal makipagkamay o makipag-apir ang mga NBA player sa mga fans bilang proteksyon na rin sa posibleng pagkahawa sa mga miron na nahawa sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?