24

Dec 21, 2017 @ 15:18

Z-Bo naitala ang 10K rebounds, 18K points; Kings pinataob ang Nets

Hindi man mataas tumalon, nagawa pa rin ni Zach Randolph (Z-Bo) na maging ika-20 player sa NBA history na nakapagtala ng 18,000 points at 10,000 rebounds, na tumulong sa Sacramento Kings sa 104-99 panalo nito sa Brooklyn Nets nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Kailanman ay hindi nakilala na mataas tumalon si Randolph pero sa kabila nito ay nagawa pa rin niyang mag-average ng 10.6 rebounds per game sa 17 taon niyang career.

“Rebounding’s about positioning and having a knack for the ball and reading where the ball will come off, having a sense where the ball is going to bounce to. It’s about a combination of things, it ain’t just about athletic ability or just jumping up and down,” ani Randolph.

Nanguna sa Kings si George Hill na may 22 points habang may 21 si Randolph at walong rebounds.

Naibaba ng Nets ang 21-point na kalamangan ng Sacramento ngunit nasayang ang mga tiyansa na maitabla ito at tinapos na ni Hill ng dalawang free throws sa 2.8 segundong nalalabi sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?