150
'Yung iba ginagamit lang ang debate para manira - Angara
By

‘Yung iba ginagamit lang ang debate para manira – Angara

Hindi pabor si reelectionist Senator Sonny Angara sa mga debate dahil nagiging venue umano ito para siraan ang ibang kandidato.

Aniya, imbes umano debate ay dapat na magpagandahan na lang silang mga kandidato ng plataporma.

“Hindi ako sang-ayon doon sa one-on-one debate kasi hindi naman namin tinatakbuhan president o mayor eh. Ang tinatakbuhan namin senador. There are 12 positions available so dapat diyan pagandahan ng plataporma,” giit ni Angara.

Sinabi pa nitong, may iba na ginagamit pa ang debate para siraan ‘yung ibang kandidato.

“Eh ‘yung iba gusto gamitin ang debate para isang venue para siraan naman ‘yung ibang kandidato. Hindi naman kami papayag na gamitin sa ganoong paraan,” dagdag pa niya.

Si Angara ay ineendorso ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?