118

Feb 19, 2020 @ 15:33
By

Yummy pa rin! Mga netizen ‘naglaway’ kay James Yap

Sa edad na 38-anyos, malakas pa rin ang hatak sa kababaihan ng ‘Face of the PBA’ na si James Yap.

Kinuha ng Rain or Shine star ang second trending spot sa Twitter matapos na masilayan ang kanyang kakisigan nang mag-guest ito sa ‘Bawal Judgemental’ ng Eat Bulaga.

Dumulog ang mga fan ng seven-time PBA champion sa Twitter, pinabatid na ‘yummy’ pa rin ang PBA star, na dating naging asawa ng ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino.

“Ang yummy pa din talaga tingnan ni James Yap I just simply miss those times na nasa Purefoods pa sila ung mga panahon na muntik ko ng basagin ang tv namin pag natatalo sila sa Ginebra,” sey ni @iam_solarMOON.

“namiss ko si james yap uwu :3 the og reason kung bakit ko nagustuhan pba,” saad naman ni @marikitmanoban.

Ito pa ang ilang reaction ng mga fan ni James sa kanyang guesting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?