17

Oct 23, 2021 @ 16:55
By

Yulo panlima sa floor exercise

Bigo si Pinoy gymnast Carlos Yulo na makakuha ng medalya sa floor exercise ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships matapos ang kanyang fifth-place finish ngayong Sabado.

Maganda ang pinakita ni Yulo kung saan nakakuha siya ng kabuuang iskor na 14.566 kung saan ang execution ay binigyan ng 8.266 at 6.600 sa difficulty.

Sa kabila nito ay binigyan pa si Yulo ng penalty na -0.3 at nagtapos lamang sa ikalimang pwesto.

Nakuha ng mga pambato ng Italy, Japan at Finland ang top three.

Hindi pa naman huli ang lahat para sa Pinoy dahil lalaban pa siya sa finals ng vault at parallel bars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?