34

Oct 20, 2021 @ 23:14
By

Yulo abante sa 3 finals event

Nagpakitang gilas si Carlos Edriel Yulo sa qualification round upang umusad sa tatlong event finals ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships 2021 sa Kitakyushu City General Gymnasium sa Fukuoka Prefecture, Japan Miyerkoles ng gabi.

Nagtala ang Pinoy gymnast ng 15.166 points sa pangunguna sa men’s floor exercise qualifying makaraan ang walong subdivision upang iparamdam ang kahandaan na idepensa ang disiplinang ito sa taunang kompetisyon.

Bumida rin sa men’s parrallel bars ang 21-anyos na Manilenyo sa iniskor na 15.566, samantalang pumapangatlo naman sa men’s vault qualifying sa likod ng 14.808. Top eight gymnasts kada apparatus lang ang mga susulong sa finals.

Nakatakda ang men’s floor exercise finals sa darating na Sabado habang gaganapin sa Linggo ang men’s vault at parallel bars finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?