11

Jun 8, 2021 @ 14:20
By

Yuka Saso pasok na sa Top 10 women golfer!

Mula rank 40, biglang akyat si Yuka Saso sa Rolex Women’s World Golf Ranking matapos manalo sa 76th US Women’s Open.

Akyat sa ninth place ang 19-anyos na si Saso, nakakuha ng average point na 5.52.

Ang nakalaban naman niya sa US Women’s Open na si Nasa Hataoka ay nasa ika-10 pwesto.

Si Saso ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng major championship sa LPGA.

Bukod pa rito, siya rin ang pinakabatang champion sa naturang torneo, katabla si Inbee Park ng South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?