146

By

Yuan Francisco, sidekick ni Alden Richards sa ‘Victor Magtanggol’

Sharing is caring!

Ang bibo at super cute na Kapuso child star na si Yuan “Pao Pao” Francisco ang magiging sidekick ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa pagbibidahan niyang primetime series na “Victor Magtanggol” ng GMA Network.

Gaganap si Yuan bilang pamangkin ni Victor na si Meloy. Kuwento ng child actor, “Lagi akong sumasama sa kanya kahit wala [akong] super power. ‘Tas ako lang po ‘yung [nagsasabi ng] ‘Go Tito, go Tito.’ Gumaganu’n lang po ako. Taga-cheer ako.”

Unang nakilala si Pao Pao sa isang fabric softener commercial pero higit siyang pinag-usapan sa high-rating telefantasya na “Encantadia” bilang taga-pangalaga ng ika-limang brilyante.

Natutuwa at enjoy naman si Alden kay Yuan na madalas daw niyang kalaro at kakulitan on and off-cam.

Ani ng award-winning Kapuso actor, “Siya ang nakakaalam ng sikreto ni Victor Magtanggol. Siya ang magiging kasama ko sa mga adventure, siya magiging kasama ko sa training ko. Magaan katrabaho ‘yung batang ‘yun eh.”

-30-

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?