138

By

Yu dismayado pero babawi

Maski ang season 95 NCAA men’s basketball tournament 2019 Most Improved Player ay labis ang panghihinayang sa Letran Knights na hawak ang ginto pero naging bato pa tapos bulilyasuhin ng San Beda Red Lions sa finals game two sa winning lay-up ni Calvin Oftana, 79-76.

“Sana pumasok na lang yun para tapos na, eh ‘di pumasok. Ayun may game 3 pa kaya magpa-practice kami bukas and bigay lahat dun,” ani Fran Yu ukol sa kapos na tira ni Bonbon Batiller na makapagbibigay na sana ng kampeonato sa Letran Biyernes sa MOA Arena, Pasay.

Bukod sa kirot na iniinda niya dahil sa cramps, masakit rin sa kanya na ‘di na siya nakabalik muli sa playing court tapos maupo mula sa nalalabing apat na minuto ng laro, lalo’t isa siya sa inaasahan ng CSJL.

“Ang sakit kasi wala akong natulong sa team nung endgame,” hirit ng 5-foot-10 guard. “’Di talaga kaya [bumalik sa court] kasi umangat na talaga [yung cramps] – umangat na kaya binuhat na lang nila ako kasi ‘di ko talaga kayang maglakad.”

Tiniyak naman niya na babawi siya sa knockout game 3 at ‘di na niya bibiguin ang mga Letranista upang dalhin ang korona sa Intramuros-based dribblers.

“Magiging mas ready lang kami. Lalaruin ko lang kung anong laro ko. Pag nagsi-shoot yung mga tira ko – titira ako ng titira,” wakas ng basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?