52
ysabel-ortega
By

Ysabel Ortega malalim ang hugot sa amang si Lito Lapid

Sharing is caring!

Inamin ng young actress na si Ysabel Ortega sa Tonight with Boy Abunda na hindi pa rin niya nakakausap ang amang si former Senator Lito Lapid.

“When I was a kid, we were very close. Ngayon po medyo wala na kaming communication. Wala po akong direct contact with him so I contact him through his aide,” sabi ng dalaga na kabilang sa cast ng Precious Hearts Romances presents Araw Gabi.

Matatandaan na noong 2015, nauna na nga niyang sinabi sa kanyang panayam na tanging ang aide lang ng ama ang nakakausap niya. Tatlong taon na ang nagdaan ay ganoon pa rin ang sitwasyon nilang mag-ama.

Gayunpaman, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Ysabel na balang araw ay makikita at makakausap din niya ito. Palagi pa rin niya itong binabati tuwing birthday nito at kapag holidays.

“I always think of my dad so whenever it’s his birthday I make it a point na I greet him and every holidays also. Of course, still hoping na someday I get to see him again kasi I still have love for him. I still respect him as my dad and he is also one of the reasons why I joined showbiz. He is one of my role models and I’m proud that he is my father,” sabi ni Ysabel.

Nang tinanong naman ni Tito Boy kung may mensahe siya para sa ama, madamdamin ang kanyang naging mensahe.

“Papa, if you’re watching, I really miss you and nandito lang po ako. No matter what happens, I will be here and I will always be your daughter. I love you,” naluluhang sabi niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?