303

By ,

‘Yoyo’ ni Mayweather, halos isang bilyong piso

Sharing is caring!

HINDI talaga nawawalan at nauubusan ng surpresa ang retired boxing champion na si Floyd Mayweather, Jr.

Kamakailan lang ay bumili ito ng relo ng nagkakahalaga ng halos isang bilyong piso.

Sa Instagram post ni Mayweather, pinakita niya sa kanyang followers ang bago niyang biling relo na kung tawagin ay ‘The Billionaire Watch’ at nagkakahalaga ng $18 million o halos P970 milyon.

Ayon pa sa post ng boksingero, nabili aniya ang relo sa isa sa pinakamagaling na jeweler sa mundo na si Tadashi Fukushima.

Ayon sa ulat ng Jacob & Co., ang naturang relo ay binubuo ng 18k white gold, 260-carats of emerald-cut diamonds at iba pang mamahaling materyales.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinakita ni Mayweather ang maluho niyang pamumuhay sa publiko. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?