48

Aug 9, 2020 @ 16:27
By

YouTuber sinunog sariling pototoy

Kakaiba ang trip ng isang gamer/Youtuber matapos nitong silaban ang kanyang sariling ari habang naka-live.

Sa YouTube livestream ni Shin Tae Il, isang South Korean gamer, hinamon ito na sunugin ang kanyang private part ng limang segundo kapag natalo sa larong ‘Fall Guys’.

At minalas nga ito matapos hindi mag-first place, kaya’t kaagad na naghubad kung saan shorts lamang ang kanyang suot, at nilagyan ng lighter fluid ang kanyang manoy.

Sa unang subok nito, tatlong segundo lamang ang tinagal ng apoy, ngunit kita na nasasaktan ang streamer na napalundag at napasigaw sa hapdi.

Ngunit hindi pa ito nakuntento at determinadong maabot ang five second penalty kung saan nilagyan niya ng marami pang lighter fluid ang kanyang ari at muli itong sinindihan.

Hindi pa rin umabot sa limang segundo ang apoy, ngunit hindi niya na ito inulit kung saan makikita na nasunog ang kanyang buhok sa bandang tiyan.

Sa social media, kanyang in-update ang mga follower kung saan binahagi nito na nagkaroon siya ng second-degree burn sa private part dahil sa naturang hamon.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?