95

Nov 26, 2021 @ 16:26
By

YouTuber Boss Keng, Neneng Lamig ikinasal na

Nagdiwang ang Team Payaman kasama ang kanilang pamilya at iba pang kaibigan sa kasal ng dalawang miyembro ng grupo.

Ikinasal na nga sina Christian Gaspar, mas kilala bilang Boss Keng, at ang kapatid ni Cong TV na si Patricia Velasquez, aka Neneng Lamig.

Ipinagdiwang ang kasal sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite nitong Nobyembre 25.

Sa Instagram post ni Neneng Lamig, pinakita nito ang ang kanilang singsing sa larawan nilang mag-asawa na kinunan pagkatapos ang kasal.

“JUST GOT MARRIED! #jackPATsiKENG,” caption nito sa Instagram post.


Sikat na YouTube vlogger ang dalawa, kabilang din sila sa isang sikat na grupo na “Team Payaman” na binuo ni Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV.

Mayroong 2.91 milyong YouTube subscribers si Boss Keng habang 1.6 milyong YouTube subscribers naman ang meron si Neneng Lamig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?