18

Apr 20, 2021 @ 15:34
By

YouTube subscribers ni Mimiyuuuh 4M na

Gulantang si Mimiyuuuh matapos tumalon sa apat na milyon ang bilang ng kanyang subscribers sa YouTube.

“GHORL SHE IS SHOOKTED!!!! HAPPY 4 MILLION SUBSCRIBERS PO!!!!” sey ni Mimi sa Instagram, Martes.

“Thank you po sa patuloy na sumusuporta at natutuwa po sa mga videos ko.”

“These past weeks po ay medyo not so good for me kaya wala po akong upload sa youtube channel ko po pero wag po kayong mag-alala, tuloy pa rin po ang pagbibigay ng good vibes ko sa inyo!!” tsika niya pa.

Last year, trending ang pauso ni Mimiyuuuh na “It Really Hurts” dance challenge, na nilahukan maging nina Gina Pareño, Liza Soberano at ng ex-2NE1 member na si Minzy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?