67

Sep 6, 2020 @ 23:18
By

Youtube channel nina Emman, Lloyd Cadena mabubura ba?

Maraming fan ang marahil magtatanong kung anong mangyayari sa Youtube channel ng dalawang legendary content creator na sina Emman Nimedez at Lloyd Cadena makaraang magkasunod na pumanaw ang dalawa.

Ang mga Youtube account ng dalawa, na may pinagsamang 11 million subscribers, ay magsisilbing alaala para sa kanilang mga fan ngunit hindi pa batid kung ano nang kakahinatnan ng mga ito lalo’t posibleng maging inactive ang naturang account dahil sa biglaang pagpanaw nina Lloyd at Emman.

Ayon sa support ng Google, may dalawang pwedeng gawin sa mga account ng mga yumaong Youtuber.

Una ay ang posibilidad na may plano na ang nag-create ng account sa kung anong mangyayari kung hindi na magalaw ito sa pamamagitan ng ‘inactive account manager’. Dito nakasaad kung may hinabilin ba ang content creator na taong pwedeng magkaroon ng access sa kanyang account, o pwede ring nais ng creator na ipabura ito.

Sunod naman ay ang maaaring mag-request ang pamilya o representative ng yumaong Youtuber, ngunit hindi pa rin ibibigay ng Google ang password para makontrol ang naturang account.

Saad ng tech giant, tatlo lang ang maaaring i-request ng pamilya ng mga yumao, ito ay ang isarado na ang account, makakuha ng pondo sa kita ng naturang account, o kumuha ng data mula dito.

“In all of these cases, our primary responsibility is to keep people’s information secure, safe, and private. We cannot provide passwords or other login details. Any decision to satisfy a request about a deceased user will be made only after a careful review,” saad ng Google.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?