38

Jul 28, 2021 @ 12:36
By

YouTube channel ni Marcelito Pomoy na-hack

Na-hack ang YouTube channel ni Pinoy singer Marcelito Pomoy, na may mahigit 400,000 subscribers na.

“My Youtube Channel has been HACKED! Shame on those people doing this… they even deleted all my videos.. now its streaming live and I can’t even delete the video they posted.. huhuhu… sooo sad!” saad ni Marcelito sa kanyang Facebook post.

Ang nang-hack daw sa kanyang channel ay pinalitan na ang pangalan nito at nagpost na rin ng video tungkol sa digital currency.

Sa kanyang channel pa naman ay naka-post ang mga nakakabilib niyang song cover.

Lumikha ng pangalan sa music industry si Marcelito matapos tanghaling grand winner ng Pilipinas Got Talent season 2.

Umabot din ang talento niya sa ibang bansa kung saan nagtapos siya ng fourth place sa America’s Got Talent: The Champions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?