12

Nov 3, 2020 @ 16:26
By

Youtube channel ng ABS-CBN bumalik na

Matapos ma-terminate, online na ulit ang dalawang Youtube channel ng ABS-CBN nitong Martes.

Bandang alas-4 ng hapon ng muling magbalik ang channel na ABS-CBN News at ANC 24/7 sa Youtube, kung saan naroon pa rin ang kanilang mga nagdaang video.

Inanunsyo ito ng ilang Kapamilya reporter sa social media.

Nitong Martes ay nawala sa Youtube ang dalawang channel ng media company, kung saan ayon sa Youtube ay na-hack ang dalawang channel nitong Lunes.

Ang ABS-CBN News ay may higit 10.6 million subscriber, habang 315,000 naman ang tagasubaybay ng ANC 24/7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?