108

Jun 14, 2020 @ 17:48

Young actress pumalag sa iwas gahasa

Nag-react sina Ria Atayde at Frankie Pangilinan (anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan) sa isang artikulong lumabas kung saan ay nagbigay ng babala ang isang police station sa mga kababaihan para makaiwas sa rape.

Sa naturang artikulo ay nakalagay ang Facebook post ng police station ng Quezon province na deleted na umano ngayon.

“Kayo naman mga ghErlsz, wag kayo magsuot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin,” ang diumano’y post ng nasabing poice station.

Ibinahagi ni Ria ang nasabing artikulo sa kanyang Twitter account at sey niya sa caption, “R u kidding me ?!!?!!!???”

Ganito rin ang ginawa ni Frankie at sa caption ay sinabi niyang hindi raw sila dapat turuan kung paano manamit kungdi ang mga tao ang dapat turuan na huwag mang-rape.

“STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE,” ang tweet ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Sinagot naman siya ni Ben Tulfo, “Hija @kakiep83, a rapist or a juvenile sex offender’s desire to commit a crime will always be there. All they need is an opportunity, when to commit the crime. Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.”

Hindi naman ito pinalampas ni Frankie at sinagot din ang batikang broadcaster.

“- rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized, particularly by men. – the way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever. – calling me hija will not belittle my point,” sagot ni Kakie (nickname ni Frankie) kay Ben.

Ang daming mga netizen ang umayon kay Frankie at binatikos nila ng katako-takot ang broadcaster. Lahat sila ay sinasabing hindi dapat maging excuse ang pagsusuot ng sexy dress para ma-justify ang rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?