14

Jul 21, 2021 @ 15:30
By

‘You earned that sh*t!’: LeBron, Curry saludo kay Giannis

Maging mga kapwa NBA superstar ay napanganga sa performance ni Giannis Antetokounmpo para tuluyang mauwi sa Milwaukee Bucks ang championship makalipas ang 50 taon.

Sa social media, sinaluduhan ni four-time NBA MVP LeBron James si ‘Greek Freak’, at sinabing deserving ito para sa nakamit na kampeonato at Finals MVP trophy.

‘Greatness’ naman ang paglalarawan ni two-time NBA MVP Stephen Curry sa 50-point, 13-rebound, 5-block statline ni Giannis sa Game 6.

Ilan pang NBA star tulad nina Jordan Clarkson, CJ McCollum, Draymond Green at Christian Wood ang bumati kay Antetokounmpo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?